Front page/ Cryptocurrency/ AVAX
Avalanche

Avalanche AVAX

Rank #13 Kasama
AvalanchePresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    0.32%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.04%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

AVAX Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

AVAX Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Avalanche

Ano ang Avalanche (AVAX)?

Ang Avalanche ay isang umbrella platform para sa paglulunsad ng mga aplikasyon ng disentralisadong pinansya (DeFi), pinansyal na asset, kalakalan at iba pang mga serbisyo.

Naglalayon ito na maging parang isang pandaigdigang asset exchange, na nagpapahintulot sa sinuman na ilunsad o ikalakal ang anumang uri ng asset at kontrolin ito sa isang disentralisadong paraan gamit ang matatalinong kontrata at iba pang mga pinakabago't mahusay na teknolohiya.

Inihahayag ng mga tagapagbuo (developers) sa Ava Labs na ang Avalanche ay ang unang network ng matatalinong kontrata na nag-alok ng pagtatapos ng transaksyon sa wala pang isang segundo bilang pamantayan.

Inilunsad ng Avalanche ang mainnet nito noong Setyembre 2020. Ang likas na token ng platform, ang AVAX, ay gumaganap ng iba't-ibang mga gawain sa loob ng Avalanche at gumagana rin bilang isang sistema ng gantimpala at pagbabayad (rewards at payment) para sa mga user.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Avalanche?

Ang Ava Labs ay may tatlong kapwa tagapagtatag, kabilang sa kanila ay si Emin Gün Sirer, ang beteranong computer scientist na matagal nang nauugnay sa Bitcoin (BTC) at sa mga disentralisadong network.

Matagal nang may pagmamalasakit si Sirer sa Bitcoin scaling, at ang Avalanche Consensus ay isang direktang sunod mula sa pananaliksik na ito, na nagpapahintulot ng hamak na mas mataas na volume ng transaksyon kaysa sa Bitcoin at nakikipagkumpitensya sa mga tulad ng Visa.

Tulad ni Sirer, ang mga kapwa niya tagapagtatag na sina Kevin Sekniqi at Maofan "Ted" Yin ay nauugnay din sa Cornell University. Si Sirer ang tagapayo kay Yin, na kumukuha ng PhD sa computer science.

Ang natitira sa team ay kinabibilangan ng mga eksperto sa computer science, economics, pinansya at batas.

Ano ang Nakapagbubukod-tangi sa Avalanche?

Ang Avalanche ay nagkakaloob ng kalakalan ng disentralisadong asset na maaaring ilunsad at gamitin ninuman, at isang network na natatangi sa digital na mundo sa pagbibigay ng mabilis na kumpirmasyon ng transaksyon sa wala pang isang segundo.

Naglalayon ang mga tagapagbuo na maipagsama-sama ang malaki, hiwa-hiwalay, at madalas ay mahirap unawaing mundo ng kalakalan ng asset sa iisang bubong, na nagpapahintulot sa walang balakid na akses. Ang mga tagapagbuo ay nakakayang lumikha at maglabas ng lahat ng uri ng entidad mula sa mga blockchain hanggang sa mga digital na representasyon ng anumang asset, at payagan ang mga ito na mangalakal ayon sa alinmang ibinigay na mga parametro. Kabilang dito, halimbawa, ang panggagaya sa mga regulasyon sa pagsunod sa iba't ibang hurisdiksyon.

Ang AVAX token ang siyang bumubuo sa in-house na paraan ng pagbabayad para sa Avalanche, at ginagamit para sa koleksyon ng bayarin sa panahon ng transaksyon, pati na rin para sa mga insentibo at mga kaugnay na layunin. Maaari ding kumita ng passive income ang mga user sa pamamagitan ng pag- stake ng kanilang coins sa network.

Mga Kaugnay na Pahina:

Tingnan ang malalimang pagsuong sa Avalanche ng CMC Alexandria dito.

Magbasa pa tungkol sa Ethereum 2.0 dito.

Tingnan ang aming interbyu kay Emin Gün Sirer dito.

Gustong malaman ang higit pa tungkol sa Bitcoin (BTC) o iba pang cryptocurrencies? Tingnan ang dedikadong gabay ng CoinMarketCap dito.

Gaano Karaming Avalanche (AVAX) Coins ang nasa Sirkulasyon?

Ang AVAX ay may maximum na naka-cap na supply na 720,000,000 (720 milyong) token. Ang genesis block ay naglalaman ng kalahati ng supply na iyon.

Ang kabilang kalahati ay ilalabas ayon sa isang emission curve na idinetalye sa Avalanche whitepaper. Ang isang mahalagang pagkakaiba sa emission ng Bitcoin — na hindi nababago — ay ang rate sa paglabas ng AVAX ay maaaring baguhin ng konsensus ng komunidad. Ang supply ay hindi maaaring baguhin; ang lahat ng maaaring maiba mula sa consensus ay ang rate kung saan ang supply cap ay naabot.

Ang isa pang kaibahan sa Bitcoin at sa maraming iba pang network, ay ang mga bayad sa transaksyon ay "tinanggal" na upang madagdagan ang kakulangan ng token. Ang prosesong ito ay nababawi naman sa pamamagitan ng pagpapalabas, o "pagmimint" ng bagong coins.

Ang mga bayad sa transaksyon ay nag-iiba-iba ayon sa uri ng operasyon na isinasagawa ng AVAX na transaksyon sa Avalanche network.

Paano Sine-secure ang Avalanche Network?

Ang Avalanche ay isang proof-of-stake (PoS) protocol na ginagantimpalaan ang mga user para sa pag-stake ng coins. Binabatikos ang mga PoS network para sa kanilang mababang attack cost , na sa ilang mga kaso ay naglalantad ng malulubhang kahinaan.

Ayon sa Ava Labs, nagagawan ito ng paraan ng Avalanche sa pamamagitan ng pagbabago sa pamamahala para gawing imposible para sa isang umaatake (attacker) na masakop nang palihim ang kinakailangang konsensus.

Saan Ka Makakabili ng Avalanche (AVAX)?

Ang AVAX ay isang malayang naikakalakal na token at nasa malalaking exchange tulad ng Binance, OKEx at Huobi Global.

Kung ikaw ay baguhan sa cryptocurrency, maaari mong basahin ang higit pa tungkol sa kung paano bumili ng Bitcoin o anumang iba pang token dito.

Mga detalye
AVAX
¥ CNY

Avalanche Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #13
  • Dominance sa Market
    0.32%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2020-09-21
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan