Front page/ Cryptocurrency/ BTC
Bitcoin

Bitcoin BTC

Rank #1 Kasama
BitcoinPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    61.42%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.03%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

BTC Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 1Y
  • ALL

BTC Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Bitcoin

Ano ang Bitcoin (BTC)?

Ang Bitcoin ay isang desentralisadong cryptocurrency na orihinal na inilarawan sa isang 2008 na whitepaper ng isang tao, o grupo ng mga tao, na gumagamit ng alyas na Satoshi Nakamoto. Inilunsad ito kinalaunan, noong Enero 2009.

Ang Bitcoin ay isang peer-to-peer online currency, na nangangahulugan na lahat ng transaksyon ay nangyayari nang direkta sa pagitan ng mga pantay at indipendiyenteng kalahok ng network, nang hindi nangangailangan ng anumang tagapamagitan para pahintulutan o pabilisin ang mga ito. Ayon sa sariling pananalita ni Nakamoto, ginawa ang Bitcoin para pahintulutang “maipadala nang direkta ang mga online na pagbabayad mula sa isang partido papunta sa isa pa nang hindi dumaraan sa isang intitusyong pinansyal.”

May ilang konsepto para sa isang kahalintulad na uri ng desentralisadong elektronikong currency na nauna sa BTC, ngunit pinanghahawakan ng Bitcoin ang distingksyon ng pagiging kauna-unahang cryptocurrency na nagkaroon ng aktwal na paggamit.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Bitcoin?

Ang orihinal na imbentor ng Bitcoin ay kilala sa ilalim ng pseudonym na Satoshi Nakamoto. Hanggang sa kasalukuyan, nanatiling hindi batid ang tunay na pagkakakilanlan ng tao — o organisasyon — na nasa likod ng alyas.

Noong Oktubre 31, 2008, inilathala ni Nakamoto ang whitepaper ng Bitcoin, na detalyadong naglarawan kung paano maipapatupad ang isang peer-to-peer, online currency. Ipinanukala nilang gumamit ng desentralisadong ledger ng mga transaksyon na naka-package sa mga batch (tinatawag na “mga block”) at sine-secure ng mga cryptographic algorithm — ang buong sistema ay kalaunang babansagang “blockchain.”

Makalipas lang ang dalawang buwan, noong Enero 3, 2009, na-mine ni Nakamoto ang unang block sa Bitcoin network, na kilala bilang genesis block, kung kaya nailunsad ang unang cryptocurrency sa buong mundo.

Gayunpaman, bagama't si Nakamoto ang orihinal na imbentor ng Bitcoin, gayundin ang may-akda ng pinakauna nitong pagpapatupad, sa paglipas ng panahon ay napakaraming tao ang nag-ambag sa pagpapahusay ng software ng cryptocurrency sa pamamagitan ng pagtatagpi ng mga bulnerabilidad at pagdaragdag ng mga bagong feature.

Ang repository ng source code ng Bitcoin sa GitHub ay nagtatala ng higit sa 750 kolaborador, kung saan ilan sa mga pangunahing tao ay sina Wladimir J. van der Laan, Marco Falke, Pieter Wuille, Gavin Andresen, Jonas Schnelli, at iba pa.

Ano ang Nagpapabukod-tangi sa Bitcoin?

Ang pinakanatatanging bentahe ng Bitcoin ay nagmumula sa katunayan na ito ang pinakaunang cryptocurrency na lumabas sa merkado.

Nagawa nitong lumikha ng pandaigdigang komunidad at nagsilang sa isang bagong-bagong industriya ng milyon-milyong tagahanga na lumilikha, namumuhunan, nakikipagpalitan, at gumagamit ng Bitcoin at iba pang mga cryptocurrency sa kanilang mga pang-araw-araw na buhay. Ang paglitaw ng unang cryptocurrency ay gumawa ng konseptwal at teknolohikal na batayan na kalaunan ay nagbigay inspirasyon sa pagbuo ng libo-libong nakikipagkumpitensyang proyekto.

Ang buong merkado ng cryptocurrency — na nagkakahalaga na ngayon ng mahigit sa $300 bilyon — ay batay sa ideyang isinakatuparan ng Bitcoin: pera na maaaring ipadala at tanggapin ng sinuman, saanman sa mundo nang hindi umaasa sa mga pinagkakatiwalaang tagapamagitan, tulad ng mga bangko at kumpanyang nagbibigay ng serbisyong pinansyal.

Dahil sa likas nitong katangian ng pangunguna, nananatili ang BTC sa tuktok ng masiglang merkado na ito makalipas ang mahigit isang dekada ng pamamayagpag. Kahit na pagkatapos mawala sa Bitcoin ang hindi mapag-aalinlangang pangingibabaw nito, nananatili itong pinakamalaking cryptocurrency, na may kapitalisasyon sa market na nagpabago-bago sa pagitan ng $100-$200 bilyon noong 2020, na malawakang maiuugnay sa pagiging ubiquitous ng mga platform na nagbibigay ng mga use-case para sa BTC: mga wallet, mga exchange, mga serbisyo sa pagbabayad, mga online na laro, at iba pa.

Mga Kaugnay na Page:

Naghahanap ng data ng market at blockchain para sa BTC? Bisitahin ang aming block explorer.

Gustong bumili ng Bitcoin? Gamitin ang gabay ng CoinMarketCap.

Gaano Karaming Bitcoin ang nasa Sirkulasyon?

Ang kabuuang supply ng Bitcoin ay nalilimitahan ng software nito at hindi kailaman lalampas sa 21,000,000 coins. Lumilikha ng mga bagong coin sa proseso na kilala bilang “mining”: habang nire-relay ang mga transaksyon sa buong network, dinadampot ang mga ito ng mga miner at pina-package sa mga block, na protektado naman ng mga kumplikadong cryptographic na kalkulasyon.

Bilang kabayaran para sa paglalaan ng kanilang computation resources, nakakatanggap ang mga miner ng mga gantimpala para sa bawat block na matagumpay nilang naidaragdag sa blockchain. Sa sandali ng paglulunsad ng Bitcoin, ang gantimpala ay 50 bitcoin kada block: nakakalahati ang numerong ito sa bawat 210,000 bagong block na na-mine — na inaabot nang halos apat taon para maisagawa ng network. Simula 2020, tatlong beses nang nakalahati ang gantimpala ng block at binubuo ng 6.25 bitcoin.

Hindi na-premine ang Bitcoin, ibig sabihin, walang coin na na-mine at/o naipamahagi sa pagitan ng mga tagapagtatag bago ito naging available sa publiko. Gayumpaman, sa unang ilang taon ng pagkakaroon ng BTC, medyo mababa ang kompetisyon sa pagitan ng mga miner, na nagbigay-daan sa mga pinakaunang kalahok ng network na makaipon ng napakaraming coin sa pamamagitan ng regular na mining: si Satoshi Nakamoto ay pinaniniwalaang nagmamay-ari ng mahigit isang milyong Bitcoin.

Paano Sine-secure ang Bitcoin Network?

Sine-secure ang Bitcoin gamit ang SHA-256 algorithm, na nabibilang sa SHA-2 na pamilya ng mga algorithm sa pagha-hash, na ginagamit din ng fork nito na Bitcoin Cash (BCH), at pati na rin ng maraming iba pang cryptocurrency.

Saan Ka Makakabili ng Bitcoin (BTC)?

Ang Bitcoin, sa maraming paraan, ay halos kasingkahulugan ng cryptocurrency, ibig sabihin pwede mo itong bilhin o ibenta sa halos lahat ng crypto exchange — para sa legal na salapi at iba pang mga cryptocurrency. Ang ilan sa mga pangunahing market kung saan available ang BTC trading ay ang:

  • Binance
  • Coinbase Pro
  • OKEx
  • Kraken
  • Huobi Global
  • Bitfinex

Kung baguhan ka sa crypto, gamitin ang sariling madaling gabay ng CoinMarketCap sa pagbili ng Bitcoin.

Paano Gamitin ang isang Bitcoin Wallet

Dagdag pa sa tatlong mga pangunahing uri na ito, ang mga Bitcoin wallet ay maaaring gumamit ng alinman sa mga solong-susi o multisig (maramihang lagda) na teknolohiya. Karagdagan pa silang kinikilala bilang alinman sa "mainit" o "malamig" na anyo ng imbakan: ang isang mainit na wallet ay konektado sa internet, samantalang ang isang malamig na wallet ay ganap na offline.

Mga Software Wallet

Ang mga software wallet ay pinanghahawakan ang web, desktop at mobile wallets.

Mga Web Wallet

Pinahihintulutan ng isang web wallet ang mga user na makipag-ugnayan sa BTC blockchain sa pamamagitan ng isang web browser interface at hinohost ang kanilang mga pribadong susi at iba pang "mga kredensyal" sa isang online server. Para sa kadahilanang ito, ang web wallet ay isa ring mainit na wallet.

Maraming mga web wallet ay hinohost ng isang third-party, tulad ng isang cryptocurrency exchange, na pinagagana ang mga user na iimbak at banayad na ikalakal ang kanilang cryptocurrency sa isang solong interface.

Ang pagseset-up ng isang user account sa isang cryptocurrency exchange ay karaniwan na awtomatikong nakakalikha sa isang user ng isang BTC wallet — at sa ilang mga kaso, isang serye ng mga karagdagang wallet para sa bawat isa sa mga cryptocurrency na maaaring ikalakal sa exchange.

Ang mga kalamangan ng isang wallet na hinost ng exchange ay ang kanilang kaginhawaan, kadalian ng paggamit at integrasyon na may punsyon ng pangangalakal sa exchange.

Kahalintulad lang din sa anumang account ang pagseset-up ng isang account para sa isang online na serbisyo, bagama't ang mga user ay karaniwang mangangailangan na kumpletuhin ang Know Your Costumer (KYC) na pagsusuri sa pamamagitan ng pag-uupload ng isang form ng opisyal na pagkakakilanlan.

Gayunpaman, karaniwang ipinahihiwatig ng mga hosted web wallet na ang mga susi ng wallet ay pinangangasiwaan ng isang third-party, na iniiwan silang mahihina sa cyberattacks — tulad ng mga paghahack sa exchange — o scam.

Sa kadahilanang ito, mahalagang gamitin nang ganap ang lahat ng mga kasangkapang pangseguridad na ibinibigay ng provider ng exchange o web wallet — kabilang ang dalawa o maramihang factor na awtentikasyon para sa mga login, mga kasangkapan sa pangangasiwa ng akses sa withdrawal o anti-phishing.

Upang matugunan ang mga pagkabahala sa mga user na nangangailangang ilipat ang kontrol ng kanilang mga susi sa isang third-party, ang ilang mga web wallet ay nagbago na rin papunta sa mga multisig (maramihang lagda) na wallet.

Mga Multisig Wallet

Ang multisig ay pinaikli na multisignature (maramihang lagda) at tumutukoy sa uri ng teknolohiya ng digital signature na ginagawang posible para sa dalawa o maraming user na digital na lagdaan ang isang transaksyon.

Ang isang pamantayang Bitcoin wallet — web o kung hindi man — ay gumagamit ng solong susi (single-key) na teknolohiya, ibig sabihin ang isang kaukulang pribadong susi ay kinakailangan upang maakses ang pondo.

Sa kabilang banda, ang isang multisig na wallet ay kinumpigura para atasan ang higit sa isang pinagkakatiwalaang partido na patotohanan ang mga transaksyon o iakses ang mga pinanghahawakan (holdings) ng wallet.

Pinapagaan ng multisig ang isahang punto ng pagkabigo na nauugnay sa solong susi (single key). Ang multisig ay maaari ring makatulong sa mga negosyo para pangasiwaan ang kanilang mga negosyong wallet o magamit ito para sa mga eskrow na transaksyon.

Mga Desktop Wallet

Ang isang desktop wallet ay iba sa isang web wallet dahil umaasa ito sa software na dinadownload ng user at lokal na gumagana sa kanilang kompyuter. Ang mga desktop wallet ay nagbibigay sa mga user ng ganap na kontrol sa kanilang mga susi, na itinatabi o iniimbak bilang isang wallet.dat file.

Para sa mga dahilang pangseguridad, ipinapayo na protektahan ng password ang akses sa file na ito at para tiyakin na ang kompyuter mo ay walang mga virus o malware bago mag-install at magset-up ng isang desktop wallet.

Mahalaga ring i-backup ang wallet.dat file o i-export ang kaukulang susi o seed phrase (koleksyon ng mga salita para iakses ang cryptocurrency wallet), na kakailanganin para mabawi ang iyong pondo sa kaso na nagkakaproblema ka sa iyong computer sa hinaharap.

Mga Mobile Wallet

Ang mga mobile wallet, tulad ng iminumungkahi ng kanilang pangalan, ay pinatatakbo gamit ang isang smartphone app at madaling ikumpigura para suportahan ang pang-araw-araw na mga transaksyon ng Bitcoin gamit ang QR codes. Ang ilang mga mobile wallet ay ang bersyon ng app ng isang online exchange account at samakatuwid ay nakatali sa parehong user login, wallet at account.

Katulad sa web at desktop wallet, ang mga user ng mobile wallet ay kailangang maging maingat tungkol sa mga panganib ng mga malisyosong app o mga impeksyon ng malware, pati na rin ang pag-aalaga upang mai-backup ang kanilang mga pribadong susi o seed phrase kung gumagamit sila ng mobile wallet na nagpapahintulot sa kanila na mapangasiwaan ang kanilang sariling mga susi.

Mga Hardware Wallet

Tulad ng nakita natin, ang maginhawang mga software wallet ay maaaring maging mahina sa mga panganib ng seguridad na kaugnay sa mga online na serbisyo at / o mga sentralisadong third-party provider.

Para sa kadahilanang ito, ang mga user na naghahangad na itabi nang secure ang kanilang cryptocurrency sa mahabang panahon, ang (HODLers) ay madalas na gumagamit ng isang hardware wallet — na "malamig" dahil hindi ito nakakonekta sa internet — bilang isang mas ligtas na alternatibo.

Ang isang hardware wallet ay karaniwang isang maliit, pisikal na elektronikong aparato na gumagamit ng isang random number generator (RNG) upang likhain ang nauukol na pampubliko at pribadong mga susi ng wallet.

Kadalasan ang hardware wallet ay nagbibigay-kakayahan sa mga user na magset-up ng isang pangseguridad na PIN code upang protektahan ang akses sa aparato, pati na rin isang pambawing parirala o recovery phrase — na minsan ay tinatawag na mnemonic seed — para sa pagbawi.

Ang mnemonic seed na ito ay karaniwang pambawing parirala (recovery phrase) na may 24 na salita na nagsisilbi bilang isang backup para sa mga pribadong susi ng hardware wallet.

Habang ang mga hardware wallet ay medyo mas mahirap gamitin kaysa sa kanilang mga katapat na hardware, itinuturing sila bilang ang pinakaligtas na paraan upang itabi ang mga pinanghahawakang cryptocurrency, dahil sila ay immune na sa cybertacks at computer malware. Maraming mga kilalang modelo ng hardware wallet ang may kasamang aplikasyon ng desktop na nagbibigay ng isang madaling-gamitin na interface.

Ang ilang hardware wallet ay maaari ding nakakonekta sa mga disentralisadong exchange o mga web wallet, tumutulong sa mga user na mapagtagumpayan ang mga isyu sa pag-aakses at kakulangan ng integrasyon sa mga punsyon ng pangangalakal.

Mga Papel na Wallet

Ang isang papel na wallet ay isa pang anyo ng malamig na imbakan (cold storage) at literal na isang pirasong papel kung saan ang Bitcoin wallet address at nauukol na pribadong susi ay nakalimbag, sa anyo ng QR codes.

Bagaman sila ay secure laban sa mga peligrong nauugnay sa maiinit na wallet, ang mga papel na wallet ay mayroon malalaking disbentahe. Sa pagiging pisikal na papel na napakanipis — magagamit ng mga mambabasa dito ang kanilang imahinasyon — nililimitahan rin nila ang mga user sa paglilipat ng buong balanse ng wallet nang sabay-sabay.

Upang magawang gastusin ang bahagi lamang ng mga pinanghahawakan ng papel na wallet, kailangang ilipat ng mga user ang kabuuan ng kanilang balanse sa ibang uri ng wallet — web, desktop o hardware — at pagkatapos ay gastusin ang isang bahagi ng kanilang balanse mula roon.

Bukod dito, pinagagana ng mga user ang panganib na kung tatangkain nilang ilipat ang isang bahagi lamang ng kanilang balanse sa papel na wallet sa isa pang wallet, ang natitirang pondo, sa pamamagitan ng default, ay ipapadala sa kilala na bilang isang "change address" sa Bitcoin protocol. Hindi mananatili ang pondo sa orihinal na papel na wallet — isang maling pagkakaintindi na inilalagay ang mga user sa panganib ng pagkawala ng kanilang pondo kung hindi nila titiyakin na kanilang itinukoy ang isang bagong papel na wallet para sa pagbabago.

Paano Lumikha ng isang Bitcoin Address

Kaya naman: nagpasya kang bumili ng Bitcoin. Pero saglit! Ano ang mga usap-usapang ito tungkol sa isang Bitcoin Address? Kailangan mo ba ng isang pribadong susi? Saan ang isang Bitcoin wallet ay aakma sa lahat ng bagay? Heto ang aming lubusang (at simpleng) gabay sa paglikha ng isang cryptocurrency address.

Ano ang isang Bitcoin Address?

Tulad ng isang email address na nagtitiyak na nakakarating sa tamang tao ang iyong mensahe, ang isang Bitcoin address ay mahalaga para sa paggarantiya na ligtas na makakarating sa blockchain ang iyong crypto.

Ang isang pampublikong susi ay isang medyo maestilo't kaakit-akit na cryptographic code na nagbibigay-daan sa iyo na magpadala at tumanggap ng BTC — at sa ilang mga kaso, ito ay dumating sa anyo ng isang QR code.

Salamat na lang, hindi mo kailangan ng isang PhD sa computer science para makapagsimulang gamitin ang Bitcoin network. Karamihan sa mga exchange at wallet ay lilikha ng address para sa iyo pagkatapos mong bumili ng ilang Bitcoin.

Paano Gumagana ang Paglikha ng Address?

Ang pinaka-nakakatakot na bagay tungkol sa isang bagong address ay maaaring kung gaano ito kahaba — alinman mula 26 hanggang 35 alpanumerikong karakter. Ang isang BTC address ay nagsisimula sa "1," "3," o "bc1."

Ang mga transaksyon ng Bitcoin ay hindi maaaring kanselahin o baligtarin, parang tulad ng isang bank account transfer, ibig sabihin ay mahalaga na suriin nang doble at triple ang address format bago ito ipadala.

Kung ang mga bayad ng Bitcoin ay naipadala sa maling cryptocurrency wallet, maaari kang humarap sa pahirapang laban sa may-ari para maibalik sa iyo ang mga pondo.

Saan Ko Maaaring Itabi ang isang Bitcoin Address?

Ang pagpapanatiling ligtas ng iyong pribado at pampublikong key ay talagang importante — at may ilang mga paraan para maprotektahan mo ang iyong Bitcoin mula sa mga taong may masamang intensyon.

  1. Mga BTC exchange : Mga platform na tulad ng Coinbase at Binance ay nag-aalok ng isang pamilyar na karanasan na parang pag-log in lang sa isang PayPal account o online banking. Available ang mga mobile wallet na ito sa Android at iOS, at nagbibigay ng isang kumpletong kasaysayan ng transaksyon. Mas mainam pa nga, ang passphrases at two-factor authentication ay maaaring makatulong na panatilihing secure ang iyong account.

  2. Hardware Wallet: Isang kapintasan ng online blockchain wallet ay ang panganib na ang iyong BTC ay maaaring manakaw kung ito ay nakatabi sa isang tinatawag na "hot wallet" na konektado sa internet. Ang ibig sabihin ng isang hardware wallet ay naka-encrypt at nakatabi ang iyong coins sa isang pisikal na aparato, naka-offline at nasa imbakan na hindi nagagalaw. Marami sa mga produktong ito ang sumusuporta sa iba pang cryptocurrencies din, kabilang ang Ethereum.

  3. Papel Wallet: kung nais mo talaga na maging makaluma, maaari mong isulat ang iyong Bitcoin address sa isang piraso ng papel — o i-print ito. Ang ganitong pamamaraan sa pribadong susi (private key) na imbakan ay palaging may mga panganib. Kung mawawala mo ang iyong paper wallet, maaaring mawala ang iyong BTC magpakailanman.

Mabilisang mga Tip para Panatilihing Ligtas ang Cryptocurrency

Kung mayroon kang $50,000, hindi mo ito itatabi lahat sa iyong wallet. Kaya't bakit maiiba ang iyong BTC?

Ang paggamit ng higit sa isang Bitcoin address — ibig sabihin ang iyong cryptocurrency ay hindi nasa iisang lugar — ay maaaring maging isang matalinong galawan.

Mahusay ang mga mobile wallet para sa paghawak ng isang maliit na halaga ng Bitcoin kung ikaw ay naghahanap at gagawa ng kakaibang pagbili, ngunit ang umasa sa isang lubhang makabagong hardware wallet ay inirerekomenda para sa ligtas na pagtatabi ng pondo na hindi mo kailangan ng madaling akses sa pang-araw-araw. May maikli kaming gabay sa pagpapanatiling ligtas ng iyong crypto, na may kasamang higit pang detalye, dito!

Paano Magpadala ng Bitcoin

Ang Bitcoin (BTC) ay isang peer-to-peer electronic cash system na hindi nangangailangan ng isang tagapamagitan, na nagbibigay-kakayahan sa mga user na direktang makipagtransaksyon nang tawid sa mga border. Para makapagpadala ng Bitcoin, kailangang maging komportable ang mga user sa pangunahing imprastraktura na kinakailangan para sa mga mga transaksyon ng Bitcoin.

Mga Bitcoin Wallet

Upang makapagpadala ng Bitcoin (BTC), nangangailangan ang mga user ng isang Bitcoin wallet, isang kasangkapan para sa pakikipag-ugnayan sa Bitcoin blockchain.

Habang pangkaraniwan ang matalinghagang pagsasalita tungkol sa mga BTC wallet na "nagtatabi" ng mga cryptocurrency ng mga user, mas tumpak na maunawaan na ang mga Bitcoin wallet ay ginagamit para buuin ang impormasyon na kinakailangan para makapagpadala at tumanggap ng cryptocurrency sa pamamagitan ng mga transaksyon sa blockchain.

May tatlong pangunahing uri ng Bitcoin wallets — software, hardware at papel — na nag-iiba-iba sa kanilang punsyon at seguridad. Depende sa kung nakakonekta o hindi sa internet ang isang Bitcoin wallet, karagdagang ikinakategorya rin ito bilang alinman sa isang "mainit" o "malamig" na wallet.

Maaaring naisin ng isang user ang magpadala ng Bitcoin sa isa pang user bilang isang uri ng pagbabayad o kalakalan, o maaaring gustuhin nilang magpadala ng BTC sa pagitan ng magkakaibang Bitcoin wallet na sila rin mismo ang gumagamit para sa iba't ibang layunin (hal. para sa kalakalan ng cryptocurrency o para sa HODLing).

Maaaring gamitin ang anumang wallet upang magpadala ng Bitcoin sa anumang iba pang wallet address — software, hardware o papel — hangga't ang address na iyon ay partikular na isang Bitcoin wallet at hindi isang wallet na dinisenyo para sa ibang cryptocurrency, hal. Ethereum (ETH), Bitcoin Cash (BCH) o XRP.

Pagpapadala ng Bitcoin: Ilang Mahahalagang Payo

Ang eksaktong proseso ng pagpapadala ng BTC ay mag-iiba-iba ayon sa uri ng wallet at wallet provider na pinili mong gamitin.

Sa lahat ng mga kaso, kailangan mong tukuyin ang dami ng Bitcoin na nais mong ipadala, gamit ang interface na ibinigay — kung ito man ay isang mobile app, desktop application, web browser o Bitcoin ATM.

Kakailanganin mo ring malaman o magkaroon ng akses sa wallet addressng tatanggap , na iyong ipinasok bilang address ng destinasyon para sa paglipat o transfer.

Tandaan na ang isang solong user ay maaaring gamitin ang kanilang Bitcoin wallet upang makabuo ng maraming mga bagong wallet address, ang bawat isa ay ipinares sa kanilang natatanging pribadong susi. Ang pribadong key na ito ay nananatiling hindi nagbabago at dapat na panatilihin na istriktong kumpidensyal, samantalang ang isang kaugnay na wallet address ay pampublikong makikita ng sinuman sa Bitcoin blockchain.

Upang masimplihan ang proseso, ang ilang software (at papel) wallet provider ay nagbibigay-kakayahan sa mga user na mag-scan ng isang QR code para maakses ang address ng tatanggap. Pinapayagan pa nga ng ilang wallet provider ang mga user na magpasok ng isang email address na nakaugnay sa wallet address ng tatanggap.

Kung ang isang QR code o email ay hindi suportado, kakailanganin mong suriin nang maingat ang mga alphanumerikong karakter na bumubuo sa Bitcoin address ng tatanggap upang matiyak na tama ang impormasyon — tulad lang ng ginagawa mo kung magpapadala ka sa bank account ng ibang tao.

Tandaan na kapag ang parehong user ay nagpadala ng Bitcoin sa pagitan ng dalawang software wallets na nakahost sa isang cryptocurrency exchange — hal., sa pagitan ng kanilang Coinbase at Coinbase Pro Bitcoin wallets — ang punsyon na send bitcoin ay maaaring tinukoy bilang isang punsyon na deposit/receive Bitcoin.

Pagdating sa pagpapadala ng BTC mula sa isang hardware wallet — halimbawa isang Ledger Nano S — ang mga user ay karaniwang kinakailangan na gumamit ng isang desktop application na nagpapahintulot sa kanila na makipag-ugnayan sa aparato ng hardware.

Ang isang nagbabago (variable) na tatandaan pagdating sa pagpapadala ng BTC ay ang mga user paminsan-minsan ay nagagawang mamili kung gaano kataas ang magiging bayarin sa transaksyon para sa paglipat o transfer . Karaniwan, kapag mas mababa ang bayarin sa transaksyon, mas matagal aabutin na makumpirma ang transaksyon ng Bitcoin sa Bitcoin blockchain.

Ano ang isang Mempool?

Habang iniimbestigahan kung paano gumagana ang mga transaksyon ng Bitcoin, maaaring may madaanan kang katagang "mempool", na pinaikli para sa "memorya" at "pool."

Ang mempool ay isang talaan ng lahat ng mga transaksyon ng BTC na hindi pa napapatunayan ng isang tagamina at idinagdag sa susunod na block sa blockchain. Ang isang mempool ay pansamantalang nakaimbak sa bawat indibidwal na node sa network, at, sa matalinghagang pananalita, gumagana bilang isang uri ng buffer zone o naghihintay na silid para sa nakabinbing mga transaksyon ng Bitcoin.

Pana-panahong kini-clear ang mga transaksyon sa mempool sa kada oras na nadaragdag ang isang bagong block sa blockchain. Ang nakabinbing mga transaksyon na naghihintay sa mga mempool ay maki-clear (naiproseso) sa sandaling matugunan nila ang minimum na bayarin sa pambungad na transaksyon.

Ang mas mabababang prayoridad na transaksyon - hal. iyong may mababang bayad — na nasa mempool samakatuwid ay madalas na kailangang "maghintay" nang mahigit sa isang block hanggang sa maiproseso at makumpirma ang mga ito.

Paano Magmina ng Bitcoin

Ang pagmimina ng BTC ay naging labis na mas mahirap sa paglipas ng mga taon. Sa sinaunang panahon ng cryptocurrencies, halos sinuman na may laptop ay maaaring makapagmina ng bagong coins - tumatanggap ng reward na 50 BTC kapag kanilang pinatunayan ang isang bagong block ng mga transaksyon sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng mga kumplikadong problema sa matematika. (Ang block reward na ito ay maaaring nagkakahalaga lamang ng $50 sa oras na 'yon, at walang nakakaalam kung magkano ang magiging halaga ng digital currency na ito sa kalaunan.)

Sa panahon ngayon, ang buhay ay hindi madali para sa mga tagamina ng Bitcoin. Ang block rewards ay kinalahati na kada ilang taon — ang bilang ng mga Bitcoin na pumapasok sa sirkulasyon ay lumiit na sa 6.25 BTC sa isang block. Gayunpaman, ang mga transaksyon ng Bitcoin ay kailangan pa ring mapatunayan, nangangahulugan na ang mga bayarin sa transaksyon ay naging isang mahalagang pinagkukunan ng kanilang kita.

Dito, ipapaliwanag natin kung paano gumagana ang pagmimina ng Bitcoin, galugarin kung gaanong lakas sa pagkukwenta ang kailangan para panatilihing tumatakbo ang blockchain at tingnan ang ilan sa iba pang mga sistema ng proof-of-work kung saan ang hardware sa pagmimina ay maaaring mapakinabangan.

Paano Gumagana ang mga Transaksyon sa Bitcoin Network

Bago tayo magpakasubsob sa teknolohiyang nauugnay sa paggawa ng mga bagong Bitcoin, ating alamin ang tungkol sa kung paano minimina ang isang Bitcoin block sa isang tunay na simpleng paraan.

Tulad ng malalaman mo (sana nga), ang blockchain ay tahanan sa buong mga rekord ng transaksyon ng Bitcoin, mula pa noong unang namina ang unang block sa taong 2009. Sa paglipas ng panahon, isang chain ng blocks ang nalikha, ibig sabihin ang mga nakaraang transaksyon ay ipinagbabawal na mahirap na i-edit. Upang amyendahan ang transaction data, ang bawat isahang block na darating pagkatapos ay dapat na muling kalkulahin — at yan ay aabutin ng nakakabaliw na dami ng data sa pagkokompyut.

Isa sa mga pinakamalaking benepisyo ng isang pampublikong ledger ay kung paano ito tumutulong upang maiwasan ang dobleng paggastos — pagpapahinto sa paggamit ng parehong Bitcoin nang dalawang beses sa parehong oras. Iniiwasan ng banknotes ang dobleng paggastos dahil pisikal mong iaabot ang $50 bago ka makakuha ng isang video game, ibig sabihin hindi ka maaaring pumunta sa katabing tindahan at gamitin ang parehong pera para makakuha rin ng sapatos.

Gayunpaman, bumalik tayo sa proseso ng pagmimina ng BTC. Isang bagong block ang nalilikha bawat 10 minuto. Ang ibig sabihin nyan, halos anim na beses sa isang oras, nasasangkot ang mga tagamina ng Bitcoin sa isang napakalaking kumpetisyon para tumanggap ng isang block reward.

Kakailanganin ng napakaraming lakas sa pagkokompyut ang pagmimina, at ang masuwerteng tao na makapagpapatunay ng isang block ay nakapaglutas ng isang matematikang problema bago ito magawa ng natitirang network. (Ito ang buong makatwirang paliwanag ng proof-of-work, dahil ang mataas na halaga ng nasasangkot na lakas sa pagpoproseso ay tumutulong upang maiwasan ang mga pag-atake ng pagtanggi ng serbisyo o denial-of-service .)

Ang paglutas sa palaisipan ay nangangahulugan na isang bagong block ang nabuo, na may sukat na 1 MB. Ang mga transaksyon ng Bitcoin na naghihintay na makumpirma ay tinitipon pagkatapos mula sa isang mempool (mekanismo ng node na sumusubaybay sa mga hindi kumpirmadong transaksyon na hindi pa naidadagdag sa isang block). Malamang na bigyang prayoridad ng tagamina ng Bitcoin ang mga user na handang magbayad nang malaki sa kanilang block ng mga transaksyon.

Ang bagong block na ito ay kinabibilangan rin ng isang bagay na kilala bilang "coinbase na transaksyon." Ito ay kung paano kinokolekta ng mga tagamina ng Bitcoin ang 6.25 BTC reward para sa kanilang mga pagsusumikap, pati na rin ang mga bayarin sa transaksyon ng bawat bayad na kasama sa kanilang block.

Aba. Napakarami nyan para mangyari sa 10 minuto. Ngayon ay may tantiyang ideya kami sa kung paano gumagana ang pagmimina ng BTC, talakayin natin ang pinakamahahalagang aspeto. Maaaring gustuhin mo ng isang tasa ng kape para sa susunod na bahaging ito.

Ano ang isang Hash Rate?

Ang hash rate ay isang mahalagang barometro kung gaano kabuti ang Bitcoin blockchain sa kasalukuyan. Sa maikling pananalita, ito ay isang kabuuang pagtingin kung gaano katindi sa kasalukuyan ang lakas ng pagpoproseso sa Bitcoin network.

Sa pagpapaikli ng mahabang kuwento, ang hash rate ay nagsasabi sa atin kung gaanong lakas ng pagkokompyut ang handang ilaan ng mga tagamina ng Bitcoin sa pagproseso ng mga block ng transaksyon. Ang mas mataas na lebel ng lakas ng paghahash, ay ginagawang mas secure ang blockchain.

Upang matiyak na ang pagmimina ng cryptocurrency ay nangyayari nang hindi nagbabago-bago, na may isang bagong block na lumilitaw tuwing 10 minuto o halos ganon, ang hirap sa pagmimina sa blockchain ay regular na inaakma — humigit-kumulang kada dalawang linggo. Kung ang hash rate ay nasa mataas na lebel, ngunit ang mga matematikang problema na kinakailangan para makakuha ng block rewards ay masyadong madali, may bagong BTC na papasok nang masyadong mabilis sa sirkulasyon. (Ang mga kalkulasyon na masyadong mataas ay lilikha ng mga kahalintulad na isyu.)

Ang susunod na seksyon sa ating nakamamanghang gabay ay tumitingin sa kit na kinakailangan para matagumpay na makapagmina ng Bitcoin.

Ano ang isang Kasangkapan sa Pagmimina ng Bitcoin (Bitcoin Mining Rig)?

Sa maikling pananalita, ang kasangkapan sa pagmimina ay isang mataas na uri ng setup na dinisenyo partikular para sa pagmimint ng bagong Bitcoins.

Ang lubhang moderno na mga unit sa pagpoproseso ay naglalayong ialok ang pinakamataas na maaaring mga hash rate, dahil sa nagbibigay ito sa mga tagamina ng mas malaking tiyansa na maging ang una na makakalutas sa mga matematikang problema.

Ilang mga kumpanya ang gumagawa ng hardware sa pagmimina ng Bitcoin, at bilang alternatibo posible rin ang makabuo ng sarili mo. Ang gastusin sa koryente ay isang malaking konsiderasyon, kung hindi man ay maaaring talunin ng iyong konsumo ng eherhiya ang anumang block rewards na iyong matatanggap.

Ang mga pangunahing elemento sa isang kasangkapan sa pagmimina ng Bitcoin ay ang motherboard, isang maaasahang graphics card (ang Nvidia at AMD ay dalawang pangunahing supplier,) isang matatag na supply ng koryente, isang solusyon sa pagpapalamig upang maiwasan ang labis na pag-init ng iyong imprastraktura, isang mapagkakatiwalaang processor at isang napakalaking frame na pananatilihing magkakasama ang kasangkapan sa pagmimina at protektahan ito mula sa alikabok.

Ang mga Pangunahing Uri ng mga Kasangkapan sa Pagmimina

Ating pag-usapan ang ilan sa mga pinaka-karaniwang kasangkapan sa pagmimina na mayroon tayo. Ang bawat uri ng hardware sa pagmimina ng Bitcoin ay may kanya-kanyang mga kalamangan at kapintasan.

  • Ang ASIC mining. Nangangahulugan ito na application-specific integrated circuit. Ang mga aparatong ito ay binuo na may nag-iisang hangarin ng pagmimina ng Bitcoin at iba pang cryptocurrencies. Ang hardware na ito ay nasa iba't ibang anyo, at ang ilang mga kit ay mas mahal kaysa sa iba. Lalo silang kapaki-pakinabang dahil sa kung paano sila maghatid ng mga pambihirang antas ng lakas sa pagkokumpyut habang pinababa ang gastos sa koryente.

  • Scrypt mining. Ang pamamaraang ito sa pagmimina ay popular lalong-lalo na sa Litecoin blockchain. Dinisenyo ito para maghatid ng isang pagpapabuti sa SHA-256 hashing na algoritmo. Sa pamamagitan ng Scrypt, kailangang makabuo sa lalong madaling panahon ang mga tagamina ng mga walang pagkakaayos na numero (random numbers) at itabi ito sa isang RAM na lokasyon. Ang pamamaraang ito ay magiliw lalo na sa mga tagamina na may GPUs, at kayang nito lumikha ng isang patas na laban dahil binabawasan nito ang mga kalamangan na mayroon ang mga tagamina ng ASIC.

  • GPU mining. Ang pamamaraang ito ay tila ang pinaka-popular sa mga minahan. Dito, gumagamit ng mga graphics card para magmina ng data mula sa blockchain. Bagaman epektibo ang mga ito, ang mga graphics card ay maaaring maging lubhang mahal — at maaaring mabilis na malipasan dahil sa pagbabago ng mga pamantayan. Mataas din ang maintenance nila, ibig sabihin ang pagpapalamig at maaasahang akses sa koryente ay napakalahalaga.

  • Ang CPU mining. Sa pangkaraniwang pananalita, ito ay kinasasangkutan ng pagmimina mula sa iyong kompyuter. Isa itong simple at hindi kamahalang pamamaraan na magagawa, ngunit sa kasamaang palad, medyo impraktikal ito pagdating sa pagmimina ng BTC. Ang paraang ito ay pinakamainam na inilalaan para sa mga altcoin — at sa ilang mga kaso, maaari kang makahanap ng software sa pagmimina na tatakbo lang nang kusa at gumamit ng ekstrang lakas sa pagkokompyut para magmint ng crypto.

Ang mga Alternatibo:

Mga Pool sa Pagmimina at Cloud Mining

May mga alternatibo sa pagsasaboy ng cash sa kabuuan ng hi-tech na kagamitang ito. Tulad ng iminumungkahi, ang mga pool sa pagmimina ay kinabibilangan ng iyong lakas sa pagkokompyut na pinagsama sa iba — lahat ng ito ay sa pag-asang makapagbunsod ng tiyansa na ikaw ay makapagbeberipika ng isang bagong block. Kung matagumpay, ang block reward pagkatapos ay hahatiin sa pagitan ng bawat tao sa grupo..

Ang isa pang ay ang cloud mining. Sa halip na kunin mo ang lahat ng hardware sa pagmimina ng bitcoin, ito ay kung saan epektibo kang bumibili ng lakas mula sa malayuang minahan. Maikukupara ito sa pagiging isang mamumuhunan sa isang sopistikadong operasyon, kung saan ka tumatanggap ng bahagi ng anumang nagawang paglilikom (proceeds). Bagaman may mga lehitimong pakikipagsapalaran na nagbebenta ng lakas sa pagmimina sa ganitong paraan, kailangan kang magmatyad para sa mga panloloko o scam . At kahit na mababa ang maintenance nito sa iyong parte, dapat tandaan na maaaring kailanganin mong pumasok sa isang matagal na kontrata na may mataas na buwanang bayarin. Maaari itong humantong sa paglamon ng iyong mga kita — posible pang malugi ka.

Dapat Mo Bang Simulan Ang Pagminina Ng Bitcoin?

Nakakalungkot man, ang pagmimina ng Bitcoin ay malayo sa pagiging madali. Gumagamit ito ng nakakalokang halaga ng kuryente. (kung pagsasama-samahin ang lahat, lumalamon ang blockchain ng 68.13 Terawatt hours ng koryente bawat taon — yan ay katumbas ng Czech Republic, isang bansa na may 10.7 milyong tao. Ang isahang transaksyon ay katumbas ng koryenteng ginagamit sa 20 araw ng isang tipikal na sambahayan sa U.S. Iyan ay ayon sa pananaliksik ng Digiconomist.}

Ang pagmimina ng Bitcoin ay maaaring kumita - lalo na sa mga lugar kung saan ang koryente ay medyo mura lang. Ang mga antas sa pagkita ay dinidiktahan rin ng kasalukuyang presyo ng Bitcoin. Ang pagsasagawa ng lahat ng pagsusumikap na ito ay maaaring hindi maging sulit kung ang BTC ay nagkakahalaga lamang ng $4,000. Ang pagsali kapag mababa ang mining difficulty (hirap sa pagmimina) ay nakapaghahatid rin ng mas malaking tiyansa na makakuha sa iyong sarili ng ilang ubod ng tamis na crypto.

Anong Mga Oportunidad Sa Pagmimina Ng Altcoin Ang Mayroon?

Syempre, maaari mo ring pakinabangan ang iyong hardware sa pagmimina sa paglalagay nito sa mas maliliit na blockchain. (Sa sinabing yan, may kahalagahang tandaan na ang Ethereum blockchain ay winawakasan na ang proof-of-work konsensus na mekanismo, at nangangahulugan ito na ang ETH ay hindi na miminahin sa loob ng ilang buwan.)

Ang Dogecoin ay isang halimbawa ng altcoin na gumagamit ng pamamaraang Scrypt, ibig sabihin ito ay hindi tugma sa hardware sa pagmimina ng SHA-256 Bitcoin. Naku, ang "birong" cryptocurrency na ito ay naging mapaghamon ding imina gamit ang isang CPU, nangangahulugan na maaaring kailanganin mong mamuhunan sa ASICs. (Maaaring wala na ring puwang dito para sa paglago ng presyo, kung pagbabasehan paano mangalakal ang DOG para sa isang praksyon ng sentimo.)

Kabilang sa mga alternatibo ang Litecoin, Monero at Zcash — lahat ng ito ay dumedepende sa proof-of-work konsensus na mekanismo.

Mga detalye
BTC
¥ CNY

Bitcoin Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #1
  • Dominance sa Market
    61.42%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
    2010-07-13
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan