Front page/ Cryptocurrency/ ETH
Ethereum

Ethereum ETH

Rank #2 Kasama
EthereumPresyo
-

-

-
Opisyal na website
Source code
Etiketa
  • Market Halaga
    -
  • 24H Volume
    -
  • Paikot na supply
    -
    -
  • 24H Mataas/Mababa
    -
    -
  • Dominance sa Market
    7.4%
  • 24H Dami
    -
  • Rate ng turnover
    0.05%
  • kasaysayan Mataas/Mababa
    -
    -

ETH Merkado trend

  • 1D
  • 7D
  • 1M
  • 3M
  • 1Y
  • ALL

ETH Merkado

Dagdag pa>>
Sort Pagpapalitan Trading pares Platform presyo 24H Dami 24H Volume Porsyento

Tungkol sa Ethereum

Ano ang Ethereum (ETH)?

Ang Ethereum ay isang desentralisadong open-source na sistema ng blockchain na nagtatampok ng sarili nitong cryptocurrency, ang Ether. Gumagana ang ETH bilang isang platform para sa napakaraming iba pang cryptocurrency, at pati na rin para sa pagpapatupad ng mga desentralisadong smart contract.

Unang inilarawan ang Ethereum sa isang 2013 na whitepaper ni Vitalik Buterin. Si Buterin, kasama ng iba pang mga katuwang na tagapagtatag, ang nagseguro ng pagpopondo para sa proyekto sa isang online public crowd sale noong tag-araw ng 2014 at siyang opisyal na naglunsad sa blockchain noong Hulyo 30, 2015.

Ang sarili umanong layunin ng Ethereum ay maging pandaigdigang platform para sa mga desentralisadong application, na nagbibigay-daan sa mga user mula sa iba't ibang panig ng mundo na magsulat at magpatakbo ng software na mahirap tablan ng censorship, downtime, at fraud.

Sino ang mga Tagapagtatag ng Ethereum?

Ang Ethereum ay may kabuuan na walong tagapagtatag — isang hindi pangkaraniwang malaking bilang para sa isang proyekto ng crypto. Una silang nagkakilala noong Hunyo 7, 2014, sa Zug, Switzerland.

  • Marahil ang pinakakilala sa kanila ay ang Russian-Canadian na si Vitalik Buterin. Siya ang nag-akda sa orihinal na white paper na unang naglarawan sa Ethereum noong 2013 at nagsusumikap pa rin siyang pahusayin ang platform hanggang ngayon. Bago ang ETH, katuwang na itinatag ni Buterin ang Bitcoin Magazine news website at nagsulat din siya para dito.
  • Ang British programmer na si Gavin Wood ay marahil ang pangalawang pinakamahalagang katuwang na tagapagtatag ng ETH, dahil siya ang nag-code ng unang teknikal na pagpapatupad ng Ethereum sa C++ programming language, nagpanukala ng native programming language ng Ethereum, ang Solidity, at siyang unang chief technology officer ng Ethereum Foundation. Bago ang Ethereum, si Wood ay isang research scientist sa Microsoft. Pagkatapos, umalis siya para itatag ang Web3 Foundation.

Kasama sa iba pang katuwang na tagapagtatag ng Ethereum sina: - Anthony Di Iorio, na nag-underwrite ng proyekto sa unang yugto nito ng pagpapaunlad. - Charles Hoskinson, na gumanap ng pangunahing papel sa pagtatatag sa Ethereum Foundation na nakabase sa Switzerland at sa legal na balangkas nito. - Mihai Alisie, na nagbigay ng tulong sa pagtatatag sa Ethereum Foundation. - Joseph Lubin, isang negosyanteng Canadian, na tulad ni Di Iorio, ay tumulong na pondohan ang Ethereum sa mga unang araw nito, at kalaunan ay nagtatag ng incubator para sa mga startup na nakabatay sa ETH na tinatawag na ConsenSys. - Amir Chetrit, na tumulong na katuwang na itatag ang Ethereum ngunit nagpasyang umalis noong pinapaunlad pa lang ito.

Ano ang Nagpapabukod-tangi sa Ethereum?

Pinasimulan ng Ethereum ang konsepto ng blockchain contract platform. Ang mga smart contract ay mga computer program na awtomatikong isinasagawa ang mga aksyong kinakailangan para tumupad ng kasunduan sa pagitan ng maraming partido sa internet. Dinisenyo ang mga ito para bawasan ang pangangailangan para sa mga pinagkakatiwalaang tagapamagitan sa mga contractor, kaya nababawasan ang mga gastos sa transaksyon habang pinapataas din ang pagkamaaasahan ng transaksyon.

Ang pangunahing inobasyon ng Ethereum ay ang pagdidisenyo ng platform na pinahintulutan itong magsagawa ng mga smart contract gamit ang blockchain, na lalong nagpapatibay sa mga umiiral nang benepisyo ng teknolohiya ng smart contract. Ayon sa katuwang na tagapagtatag na si Gavin Wood, dinisenyo ang blockchain ng Ethereum na parang “isang computer para sa buong planeta,” na sa teorya ay kayang gawing mas robust, censorship-resistant, at hindi gaanong prone sa panloloko ang kahit anong program sa pamamagitan ng pagpapatakbo nito sa isang pandaigdigang distributed network ng mga pampublikong node.

Bukod sa mga smart contract, kayang mag-host ang blockchain ng Ethereum ng iba pang mga cryptocurrency, na tinatawag na “mga token,” sa pamamagitan ng paggamit ng ERC-20 compatibility standard nito. Sa katunayan, ito ang naging pinakakaraniwang gamit para sa ETH platform sa ngayon: sa puntong ito, mahigit 280,000 token na sumusunod sa ERC-20 ang nailunsad. Mahigit 40 sa mga ito ang nasa nangungunang 100 cryptocurrency ayon sa kapitalisasyon sa market, halimbawa nito ang USDT, LINK, at BNB.

Mga Kaugnay na Page:

Baguhan sa crypto? Matuto kung paano bumili ng Bitcoin ngayong araw.

Handa nang matuto pa? Bisitahin ang aming learning hub.

Gustong maghanap ng transaksyon? Bisitahin ang aming block explorer.

Sabik makaalam tungkol sa crypto space? Basahin ang aming blog!

Gaano Karaming Ethereum (ETH) Coin ang Nasa Sirkulasyon?

Noong Agosto 2020, may humigit-kumulang 112 milyong ETH coin na nasa sirkulasyon, 72 milyon sa mga ito ang inisyu sa genesis block — ang kauna-unahang block sa Ethereum blockchain. Sa 72 milyong ito, 60 milyon ang inilaan sa mga inisyal na kolaborador sa 2014 crowd sale na nagpondo sa proyekto, at 12 milyon ang ibinigay sa development fund.

Ang natitirang halaga ay inisyu sa anyo ng mga gantimpalang block sa mga miner na nasa Ethereum network. Ang orihinal na gantimpala noong 2015 ay 5 ETH kada block, na kalaunan ay bumaba sa 3 ETH noong huling bahagi ng 2017 at pagkatapos ay naging 2 ETH sa unang bahagi ng 2019. Ang average na oras na itinatagal para mag-mine ng Ethereum block ay humigit-kumulang 13-15 segundo.

Isa sa mga pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng ekonomika ng Bitcoin at Ethereum ay hindi nagdudulot ng deflation ang Ethereum, ibig sabihin hindi limitado ang kabuuang supply nito. Pinangatwiranan ito ng mga developer ng Ethereum sa pamamagitan ng hindi kagustuhang magkaroon ng “naka-fix na badyet sa seguridad” para sa network. Ang kakayahang i-adjust ang rate ng pagkakaloob ng ETH sa pamamagitan ng consensus ay nagpapahintulot sa network na panatilihin ang minimum na pagkakaloob na kinakailangan para sa sapat na seguridad.

Paano Sine-secure ang Ethereum Network?

Simula Agosto 2020, sine-secure ang Ethereum sa pamamagitan ng Ethash proof-of-work algorithm, na kabilang sa Keccak family ng mga hash function.

Gayunpaman, may mga planong itransisyon ang network papunta sa isang proof-of-stake algorithm na kakabit ng malaking Ethereum 2.0 update, na nakaplanong ilunsad sa huling bahagi ng 2020 o unang bahagi ng 2021.

Saan Ka Makakabili ng Ethereum (ETH)?

Dahil sa katunayan na Ethereum ang pangalawang pinakamalaking cryptocurrency kasunod ng Bitcoin, nakalista ang mga ETH trading pair sa halos lahat ng malalaking crypto exchange. Kabilang sa ilan sa pinakamalalaking market ang:

  • Binance
  • Coinbase Pro
  • OKEx
  • Kraken
  • Huobi Global

Isang malalimang pagtalakay sa Ethereum 2.0

Ang Ethereum 2.0 - na kilala rin bilang Serenity — ay ang matagal nang hinihintay na upgrade sa Ethereum blockchain.

Isa itong malaking deal. Kung tutuusin kung paano ang network na ito ay tahanan sa pangalawang pinakamalaking cryptocurrency sa mundo ayon sa market cap, ang paglilipat ay kailangang tumakbo nang banayad. Bilyon-bilyong dolyar ang nakataya (talagang literal!)

Tingnan ang aming FAQ (Mga Kadalasang Katanungan) upang malaman ang mga kalamangan at kahinaan ng bagong hitsura ng Ethereum network na ito, kung ano ang hitsura ng mapang-daan at kung ano ang ibig sabihin ng para sa mga disentralisadong aplikasyon.

Ano ang Ethereum 2.0?

Sa maikling kuwento, ang Ethereum 2.0 ay magreresulta sa nagbabagong blockchain mula sa isang proof-of-work konsensus na mekanismo (na ginagamit rin ng Bitcoin) sa proof-of-stake. Magiging isa itong markadong paglisan mula sa subok nang protokol na ginagamit na sa loob ng limang taon.

Hindi ito magreresulta sa isang bagong-bagong malilikhang cryptocurrency — ang iyong ETH ay magiging eksaktong pareho lamang. Sa halip, karamihan sa mga pagbabago ay magiging nasa bahaging hindi nakikita, mga teknikal na pagpapahusay na malamang ay hindi mo pa nga mapapansin.

Ang ETH 2.0 blockchain network ay gumagana na mula pa noong 2015, at hindi ito maipapatupad nang magdamagan. Isa sa mga pangunahing layunin ay ang ibunsod ang kapasidad, nangangahulugan na ang mga transaksyon ay maaaring gawin nang mas mabilis. Isang pagyabong sa bukas na mapagkukunang DApps, hindi pa dyan binabanggit ang sektor ng disentralisadong pinansya, ay nakapagpuno sa blockchain network na ito.

Halimbawa, tingnan na lamang ang nangyari noong inilunsad ang CryptoKitties sa mga nangungunang araw ng 2017, ang panahong patungo sa pinakamataas kailanman ang Ether at Bitcoin. Ang demand para sa tunay na kakole-kolektang mga pusang ito ay umabot sa tugatog na may libo-libong transaksyon na nakabinbin at naghihintay na maiproseso.

Ang pagpapatibay ng mainnet laban sa mga hamon ng hinaharap para tiyakin na magagawa nitong makapagproseso ng maramihan ay maaaring maging napakahalaga sa kanyang patuloy na pananatili. Kung wala nito, ang mga mahihilig sa crypto sa huli ay maaaring ibaling ang kanilang negosyo sa ibang lugar.

Paano Naiiba ang Ethereum 2.0 Mula sa Ethereum 1.0?

May malinis na paraan ang kumpanyang blockchain technology na ConsenSys sa paglalarawan kung paano naiiba ang ETH 2.0 mula sa kanyang sinundang ETH 1.0.

Kunwaring isipin na ang Ethereum 1.0 ay isang napakaabalang daan na may solong daan pupunta sa bawat direksyon, ibig sabihin lahat ng kotse ay kailangang gumapang sa isang mabagal na pag-usad kapag may kasikipan.

Ipakikilala ng Ethereum 2.0 ang sharding (higit pa tungkol dito sa ating susunod na katanungan,)na may epekto na gawing isang motorway ang blockchain na may dose-dosenang mga lane. Lahat ng ito ay makapagbubunsod sa bilang ng mga transaksyon na maaaring maasikaso nang magkakasabay

Ang paglipat mula sa PoW papunta sa PoS ay magiging lubhang malaki, hindi pinakamababa pagdating sa kahusayan sa enerhiya. Gumagamit ang proof-of-work ng isang makalaglag-pangang halaga ng lakas — napakalakas na ang isang solong transaksyon sa Bitcoin blockchain ay may carbon footprint na kasinghalaga ng 667,551 na transaksyon ng VISA. Ang isang pagbabayad sa Ethereum ay humahantong sa paggamit ng mas higit na koryente kaysa sa karaniwang nagagamit ng isang sambahayan sa U.S. sa loob ng isang araw.

Ang mga pagtatantya mula sa Institute of Electrical and Electronic Engineer (na pinaikli na IEEE) ay nagpapahiwatig na ang ETH 2.0 upgrade ay babawasan ang paggamit ng enerhiya sa napakalaking 99%. Nangangahulugan iyan, pati na rin ang pag-aambag sa paghahanap ng kalayaang pinansyal, na ang blockchain ay hindi mapanghamak para sa kapaligiran.

Ano ang Shard Chains?

Ang sharding ay ang teknolohiya na makapagbibigay-kakayahan sa Ethereum 2.0 na makapagproseso ng maramihang transaksyon. Magagawa nito na epektibong paghati-hatiin ang blockchain mainnet sa maliliit na bahagi na shard chains na gagana sa tabi ng isa't isa. Sa halip na isagawa ang mga transaksyon sa magkakasunod na pagkakaayos, sila ay aasikasuhin nang sabay-sabay — at isa itong malinaw na higit na mas matalinong paggamit ng lakas sa pagkokompyut.

Tulad ng ipinaliwanag ng koponan ng ConsenSys: "Bawat shard chain ay parang pagdaragdag ng isa pang lane upang i-upgrade ang Ethereum mula sa isang solong lane na daan papunta sa isang maramihang lane na highway. Ang mas maraming lane at magkakaagapay na pagproseso ay humahantong sa mas mataas na halaga ng mga serbisyo o produktong nalilikha."

Siguro ngayon ikaw ay nag-iisip "Ito ay isang henyo! Bakit hindi ito ginawa sa simula pa lang?!" — ang sagot, sa tapat na pagsasabi, ay ang buhay ay hindi ganoon kasimple.

Isa sa mga pinakamalaking kapintasan ng sharding ay sa kung paano nito nakokompromiso ang seguridad kung ito ay hindi gagawin nang mabuti. Dahil sa mas kaunting mga tagapagpatunay ang aatasan sa pagpapanatiling secure ng mga maliliit na shard chains na ito, may peligro na sila ay madaig ng mga malisyosong aktor. Lahat ng ito ay magbabalik-tanaw sa tatlong klasikong dilema na iyon na nakapagpapagulo ng ilang taon na sa mga mahihilig sa cryptocurrency: kakayahang magproseso ng maramihang transaksyon (scalability), disentralisasyon at seguridad — maaari kang pumili ng dalawa.

Paano Gumagana ang Staking (Pamumuhunang Taya)?

Isang makabuluhang pagbabago sa Ethereum 2.0 blockchain ay ang paglipat sa staking . Mangangailangan ito ng isang kumpletong pag-iisip muli tungkol sa kung paano nakukumpirma ang mga bagong blocks.

Ang PoS system, kilala bilang Casper, ay kinasasangkutan ng mga tagapagpatunay (validators) na gumugugol ng pera para sa kinakailangang aksyon. Upang mabigyan ng pribilehiyo ang pagdaragdag ng bagong blocks sa blockchain at pagtanggap ng reward, kailangan nilang atubiling magbigay ng 32 ETH na ila-lock. Maaari mong ikumpara ito sa isang insurance policy - na parang mawawala sa iyo ang security deposit mo kung labag mong papasukin ang isang silid ng hotel, isasapalaran ng mga tagapagpatunay (validators) ang peligrong mawala ang kanilang ETH kung bigo silang kikilos sa interes ng blockchain network.

Tulad ng iyong naiisip, ito ay lubhang naiiba sa kung paano gumagana ngayon ang Ethereum. Ang bagong blocks ay namimina ng mga taong mayroong pinakamaraming lakas ng pagkokompyut — teknolohiya na malayong maabot ng pang-araw-araw na konsyumer. Sa proof-of-stake na konsensus, karaniwang idinedelegado ang blocks sa isang proporsyonal na paraan, batay sa kung gaano karaming crypto ang nai-lock. Kaya: ang isang tao na nakapag- stake ng 5% ng kabuuan ay magtatapos sa pagpapatunay ng 5% ng bagong blocks, at tanggapin ang reward. Sa Ethereum 2.0, pipiliin nang walang pagkakaayos o random ang mga tagapagpatunay (validators).

Pag-usapan natin ang pera. Gaano kalaki aabutin ang rewards? Sa ganyang usapin, depende ito sa kung gaano karami ang mga tagapagpatunay — at ito ay mababawasan sa paglipas ng panahon. Ang mapang-daan ng Ethereum ay nagpapahiwatig na ang pinakamataas na makakuha (maximum gain) ay 18.1% sa itaas ng 32 ETH, o kaya'y kasing-baba ng 1.56%.

Ipagpalagay, bilang halimbawa, na ang 1 ETH ay nagkakahalaga ng $300, ito ay nangangailangan ng isang kabuuang pamumuhunan na $9,600 upang maging isang tagapagpatunay o validator . Yan ay isang napakalaking tipak ng sukli. Dahil dito, umusbong ang mga staking pool kung saan ang mga mahihilig sa crypto ay magagawang maipagsama-sama ang kanilang Ether at hatiin ang mga nalikom o proceeds.

Ang Proof-of-Stake ba ay Magiging Katapusan ng Pagmimina ng Ethereum?

Upang paikliin ang mahabang kuwento... oo. Ang mga pool sa pagmimina ng Ethereum ay maghihintay na lamang at maghahanap ng magagawa sa oras na ganap nang ilunsad ang ETH 2.0. Maaaring kailanganin nilang ibaling ang kanilang atensyon sa altcoins, o magsimula ng bagong career bilang isang mananaya o staker .

Sa pagsasabing yan, hindi pa nila kailangang kulungin ang kanilang kagamitan sa pagmimina — sandali pa ring mananatiling gumagana ang proof-of-work habang ang testnet ay isinasalang sa kanyang sariling tulin, at ang bawat yugto ay sisimulang gamitin.

Nagkaroon ng mga takot na tayo ay hahantong sa isang napakalaking tangkang pagbawi mula sa komunidad ng pagmimina, at ang ilan ay pipigilan pa nga ang pagpapatupad ng PoS konsensus upang protektahan ang kanilang pinakamamahal na kita. Napakalabo na ito ay magbubunga, ngunit may panganib na maaaring magkaroon ng isang radikal na pagbabago o hard fork — isang madramang proseso kung saan ang isang cryptocurrency ay hinahati sa dalawa.

May naunang naganap na pamamarisan nito. Noon pang 2016, sumailalim sa isang radikal na pagbabago o hard fork ang Ethereum network pagkatapos ng MakerDAO na paghahack. Ang orihinal na blockchain kung saan itinabi ng hacker ang pera ay muling binigyan-ngalan bilang Ethereum Classic (na mananatiling proof-of-work), habang ang mas bagong platform, kung saan ang pera ay ibinalik, ay pinanatili sa Ethreum ang pangalan.

Ano ang mga Kalamangan at Kapintasan ng Ethereum PoS?

Tulad ng nabanggit natin, ang higit na kahusayan sa enerhiya ay isa sa mga pinakamalaking kalamangan na nauugnay sa staking . Ngunit ito ay ang simula lamang. Narito pa ang ilan sa iba pang mga benepisyo:

  • Mas mabababang hadlang sa pagpasok. Ang pagiging isang tagapagpatunay (validator) sa isang proof-of-work blockchain ay madalas na sukdulan ang mahal dahil sa high tech na kagamitan sa pagmimina na iyong kailangan. Sa PoS konsensus, ang isinaad na layunin ng Ethereum ay ang "magpahintulot sa isang pangkaraniwang laptop ng konsumer na makapagproseso at makapagpatunay ng shards."
  • Isang mas pataas na palaruan. Dahil sa lubos na gastos sa kagamitan sa pagmimina, at ang konsumo ng koryente na kinakailangan sa isang PoW konsensus na mekanismo, ang responsibilidad sa paglikha ng bagong blocks madalas ay bumabagsak sa iilang kakarampot na tagapagmina na may perang panggastos para maisagawa ang mga bagay-bagay.
  • Ang mga pag-atake sa network ay mas mahal. May pinansyal na interes ang mga tagapagpatunay sa pagsisiguro na ang blockchain ay ligtas at secure. Upang magtagumpay ang isang malisyosong aktor sa pag-atake sa Ether network, kailangan nilang magtaya ng isang security deposit — pera na kalaunan ay mawawala sa kanila.

Tulad ng inaasahan niyo, may mga disbentahe sa proof-of-stake na konsensus. Kabilang sa kanila:

  • Ang malalaking mananaya o stakers ay maaaring magtapos sa pagkakaroon ng napakalaking impluwensya. Ang pag-aalis sa pagmimina ay hindi nangangahulugan na iyong iwinawaksi ang isang hindi balanseng lakas. Ang isang taong may malalim na bulsa ay maaaring sa huli ay tumaya (mag-stake) ng 32,000 ETH, at samakatuwid ay humantong sa 100 beses na mas maraming blocks kaysa sa bawat tao.
  • Hindi pa ito nasusubukan sa sukatang ito. Ang Ethereum ay magiging ang pinakamalaking cryptocurrency na kailanman ay lumipat sa Proof-of-Stake. Ang mga kumplikasyon at hindi inaasahang kahinaan ay halos mapaminsala para sa proyekto.

Ano ang mga Pangunahing Yugto ng ETH 2.0?

Tulad ng naiisip niyo, gusto ng Ethereum Foundation na magpatuloy nang napakaingat sa paparating na upgrade. Dahil dito, ang proseso ng paglipat sa ETH 2.0 ay marahil pinakamainam na maikukumpara sa patuloy na paninirahan sa isang bahay habang ito ay kinukumpuni.

Sa maikling kuwento, may tatlong pangunahing yugto: Phase 0, Phase 1, at Phase 2. Ang umiiral na Ethereum 1.0 blockchain ay magpapatuloy sa operasyon sa bawat baitang.

Narito kung ano ang kakailanganin sa bawat hakbang:

  • Ang Phase 0 ay pangungunahan ang paglulunsad ng Beacon Chain, na siyang magiging responsable para sa pangangasiwa ng mga tagapagpatunay at paghahatid ng PoS konsensus na mekanismo — pati na rin ang pagpapataw ng mga multa at pagbibigay ng rewards. Nakaiskedyul itong maganap sa Enero 2020.
  • Ang Phase 1 ay nagdadagdag ng sharding sa pagkakahalo, hinahati ang Ethereum network sa 64 na iba't ibang mga chain. Bagama't lohikal na isipin na ito ay magmumultiplika ng 64 sa kapasidad, maaaring aktwal na nangangahulugan ito na ang ETH 20 ay kayang mag-asikaso ng daan-daang beses na mas maraming transaksyon kada segundo kaysa sa nauna sa kanya. Ang bahaging ito ng mapang-daan ay naiplano na para sa 2021.
  • Ang Phase 2 ay mamarkahan ang pagdating ng mga transfer at withdrawal ng ETH, kasama ang punsyon ng matalinong kontrata, na kalaunan ay hahantong sa pagkakapatay sa Ethereum 1.0 blockchain sa wakas. Inaasahan ito na magla- live sa 2022 — pero kailan nga ba napag-alaman na ang ganitong kalaking proyekto ay mapapatakbo sa iskedyul?

Tulad ng ipinaliwanag sa artikulong Medium.com ni Jeffrey Hancock: "Sa kasamaang-palad, lahat ng bagay sa likod ng Phase 2 ay nasa isang pambihirang kalagayan ng paghuhula at walang maaasahang impormasyon tungkol sa mga yugtong ito."

Daan-daang mga tagapagbuo (developers) ang sangkot sa proyektong ito, na inaayos ng Ethereum Foundation. Lahat ng kumplikadong mga teknikal na detalye ay nakarekord sa isang dedikadong Github page.

Bakit Naantala ang Ethereum 2.0?

Maaaring iniisip mo ngayon "Enero 2020! Dapat na inilunsad na ngayon ang Ethereum 2.0! Paano ko nalagpasan yan?!"

Ayos lang, huwag mag-alala, hindi ka nilagpasan ng balita... ang katotohanan sa bagay na iyan ay ang pagbuo ng isang bagong blockchain ay seryosong tumatakbo nang atrasado sa iskedyul.

Pagkatapos na malagpasan ang orihinal na deadline, inasahan na ang ETH 2.0 ay malulunsad sa Hulyo — nasa oras lang para sa ikalimang anibersaryo ng blockchain. Magliliparan ang mga tapon ng champagne, at ang hindi kasiya-siyang mga pagkaantala ay malilimutan. Sayang, hindi rin ito nangyari.

Ang problema ay ang Beacon Chain ay maaari lamang maglunsad kapag ang isang pampublikong testnet at isang programa ng bug bounty ay tumatakbo na nang ilang buwan — at si Justin Drake, isang miyembro ng Ethereum Foundation, ay nagpahayag ng pag-aalinlangan na ito ay makakamit sa ikatlong quarter ng 2020. Iniisip niya na ang pasinaya ng Phase 0 ay makakamit lamang sa Enero 2021 — atrasado ng isang taon sa iskedyul.

Kasunod ng mga mensahe ni Drake noong kalagitnaan ng Hulyo, isa sa mga tagapagtatag ng Ethereum, si Vitalik Buterin, ay nagpursige upang pasinungalingan ang pesimismong ito. Kanyang ipinunto na ang Altona testnet ay naglunsad noong Hulyo, at nagmungkahi na ang Phase 0 ay maaaring pasimulan sa Nobyembre. Sa sagot ni Drake sa Reddit, sinabi ni Buterin: " Personal akong hindi sumasang-ayon dito, at aking papaboran nang malaki ang paglunsad ng phase 0 [2021] hindi alintana ang antas ng kahandaan."

Yan ay isang mapangahas, mapagpilit, at mataasang pahayag. Ang paglulunsad nang hindi pa ganap na handa ay maaaring magresulta sa ilang mga malalaking pagkagambala para sa mga umasa sa ETH blockchain, sumasadsad ang presyo at nahahalukay ang mga sablay na kahinaan sa seguridad.

Sa kalagitnaan ng Agosto, si Buterin ay tila kumakambyo sa naunang desisyon... marahil ay pabalik sa simula kung saan ito nanggaling. Kinapanayam sa isang podcast, sinabi niya: "Tunay na malayang inaamin ko na ang Ethereum 2.0 ay mas mahirap kaysa sa inaasahan naming ipatupad mula sa isang teknikal na pananaw. Talagang hindi ko maisip na nakatuklas kami ng mga anumang panimulaang kapintasan na ginagawang imposible ito, at talagang sa palagay ko ay matatapos ito. Konting panahon lang naman, at tunay namang mabilis itong umuunlad kamakailan lang."

Ano ang Mangyayari sa ETH 1.0 Blockchain?

Kapag ang Ethereum 2.0 ay tunay nang inilunsad sa kalaunan, gagana ito kasama ang Ethereum 1.0 sa ilang mga taon man lamang.

Sa sandaling ang ETH 2.0 ay ganap nang nabuo at gumagana, sinasabi ng ConsenSys na: "Ang kasalukuyang plano ay para sa Ethereum 1.0 chain upang epektibong maging ang unang shard sa Ethereum 2.0 kapag inilunsad na ang Phase 1."

Talagang may ilang magaganda't kaakit-akit na pagkakatulad na nariyan na naglalarawan kung paano gagana ang paglipat.

Isang empleyado ng ConsenSys, si Jimmy Ragosa, ay sinubukang ipaliwanag ito sa simpleng pagkukumpara ng Ethereum 1.0 sa isang bus, at Ethereum 2.0 sa isang tren.

Nagpinta ng larawan si Ragosa kung saan ang tren ay binubuo habang paparating na ang bus — at ang mga pasahero ng bus ay papayagang ipagpatuloy ang kanilang biyahe sa tren sa lalong madaling panahon na nailabas na ang Beacon Chain. "Sa huli, ang buong bus ay naisakay na sa tren," ayon sa pagsulat niya.

Anong Mangyayari sa ETH na Pag-aari Ko Ngayon?

Kung kasalukuyan kang nagmamay-ari ng Ether, siguro ay nag-aalala ka na talaga ngayon na magiging walang halaga ang iyong ETH sa lalong madaling panahon na masiglang magkabuhay ang bagong blockchain.

Narito ang mahalagang bagay na tandaan: hindi ang cryptocurrency ang magiging iba kapag inilunsad na ang ETH 2.0, ito ay ang teknolohiya ng blockchain na sumasailalim dito ang siyang nagbabago. Walang anumang bagong token na kinakailangan mong bilihin, ni hindi ka gagawa ng nakakaasiwa't kumplikadong kumbersyon mula sa isang digital asset papunta sa isa pa.

Ngunit kung nagmamay-ari ka naman ng disenteng halaga ng ETH, isang bagay na maaari mong isaalang-alang ay ang ilagay sa mabuting paggamit ang iyong cryptocurrency sa pamamagitan ng pag- staking . Gayunman isang salita ng pagbibigay babala, maaaring gustuhin mo na huwag diretsahang gawin agad ito. Ang mga tagapagpatunay (validators) na sumali sa yugto ng Beacon Chain ay hindi magagawang i-withdraw ang Ether na kanilang itinaya o ini- stake hanggang Phase 2 ng upgrade, na sakali ay dalawa o tatlong taon pa.

Muli, mahalagang ipagdiinan na hindi mo magagawang bumili ng ETH 2.0 tokens sa sandaling makumpleto na ang upgrade. Parehong lumang Ether din na kilala at gustong-gusto mo, sa parehong Ethereum wallet na dati mo nang ginagamit.

Paano Maaapektuhan ng ETH 2.0 ang DeFi?

Maaaring gawing mas higit na praktikal ng Ethereum 2.0 ang disentralisadong pinansya, pareho pagdating sa bilis at mga bayarin sa transaksyon.

Sa kasalukuyan, nakakayang asikasuhin lamang ng ETH 1.0 ang halos 25 transaksyon kada segundo (TPS). Halos sapat lang yan para sa isang solong (single) DeFi protocol, paano pa kaya kung isang buong blockchain network.

Dati nang iminungkahi ni Vitalik Buterin na ang kapasidad ng ETH 2.0 ay maaaring mabilis na tumalon sa 100,000 TPS (transaksyon kada segundo) sa sandaling ang bawat yugto ay maipatupad nang tama.

Ngunit si Kyle Samani, ang tagapagtatag ng Multicoin Capital, ay naniniwala na kahit ito ay hindi kayang abutin ang kinakailangang pamantayan kung magiging higit na popular ang disentralisadong pinansya.

Babala tungkol sa mga hamon na kakaharapin ay napag-usapan sa isang talakayan sa Twitter noong Mayo, kanyang isinulat: "Maaari mo bang ipaliwanag sa akin kung paano mo patatakbuhin ang pandaigdaigang sistemang pinansyal sa 25 TPS? O kahit na 2,500 TPS? O kahit na 25,000? Medyo natitiyak ko na kailangan mo ang hindi bababa sa 1,000,000 TPS para gumana ang crypto sa pandaigdigang sukatan."

Isang milyong transaksyon kada segundo! Lahat ng ito ay maaaring magpahiwatig na kahit kapag nailunsad ang bagong blockchain network ng Ethereum 2.0, isang buong round ng karagdagang pagpapabuti ay kailangang gawin upang ang platform ay makasabay sa mga pangangailangan o demand ng mga user.

Makakaapekto ba ang Bagong Teknolohiya ng Blockchain na Ito sa Ethereum DApps?

Isang pagkabahala na bumabalot sa ETH 2.0 ay ang epekto na maaaring magkaroon ang upgrade na ito sa mga umiiral na DApps. Hahantong ba tayo sa senaryo na parang sa Apple, kung saan ang mga mas bagong iPhone ay hindi na sumusuporta sa apps na dinisenyo para sa mga mas lumang aparato?

Sa huli, walang namang tunay na panganib na ang DApps ay hindi na tutugma sa blockchain na ito. Isang mas malaking panganib ay ang mga balakid sa daan habang inilalabas ang network na maaaring magsanhi ng pagkagambala na makapagpapabagal sa aktibidad.

Kung ang paggulong ng Ethereum 2.0 ay magagawa nang tama, ito ay maaaring magmitsa ng isang bagong estilo ng inobasyon sa blockchain habang ang mga tagapagbuo, na nayayamot na sa matataas na bayarin sa transaksyon (transaction fees) at mabagal na oras ng kumpirmasyon, ay magsisimulang magbalikan mula sa mas maliliit na platform.

Ayon sa market report ng Dapp.com para sa Q2 2020, mayroong kasalukuyang 1,394 na aktibong mga disentralisadong app. Sa mga ito, 575 — halos 41% ng kabuuan, ay tumatakbo sa Ethereum. Magbalik-tanaw sa mga nangungunang araw ng 2017, ang blockchain na ito ay isa sa mga iilang opsyon para sa mga tagapagbuo na nagnanais na bumuo ng kanilang mga sariling aplikasyon — ngunit sa mga araw na ito, sobra-sobra ang kanilang pagpipilian.

Matiyagang maghintay lamang, maaaring makita natin ang Ethereum na muling mababawi ang ilan sa market share na nawala nito sa mga dumaang taon. Ipinapakita ng Dapp report na nagawang doblehin ng Ethereum ang bilang ng mga aktibong user ng disentralisadong app sa Q2, na umaabot sa pinakamataas kailanman na 1.25 milyon. Karamihan sa mga ito ay dulot ng pangangailangan o demand para sa DeFi apps.

Ano ba ang Iniisip ni Vitalik Buterin Tungkol sa Ethereum 2.0?

Tulad ng ating nakita, determinado si Buterin na mailunsad ang blockchain na ito — at mukhang hindi siya nagpapakampante sa kanyang mga nakamit kabilang ang pagkakasakatuparan ng ETH 2.0. Noong Marso 2020, kanyang inilabas ang detalyadong mapang-daan ng Ethereum na "ano ang maaaring maging hitsura ng Ethereum 2.0 sa susunod na lima hanggang 10 taon at sa kalaunan pa."

Isa rin siyang masugid na tagapagtanggol laban sa mga pahayag na ang disenyo ng Ethereum 2.0 ay nananatiling mas mahina kung ihahambing sa kung paano itinatag ang Bitcoin noong pang 2009. Ipinagdidiinan ni Buterin na ang sharding , kasama ang nakalalamang na bagong teknolohiya na kilala bilang zero-knowledge proofs, ay magreresulta sa isang blockchain network na sadyang mas murang gamitin kaysa sa BTC.

Ang programmer ay nagpatuloy na inilista ang PoS konsensus, pati na rin ang walang estadong beripikasyon at 12-segundong oras ng block, bilang iba pang natatanging mga punto sa pagbebenta para sa ganap nang establisyadong network.

Ngunit sa kabila ng lahat ng mga benepisyong ito, nagbabalik ang lahat sa iisang solong isyu na desperadong lutasin ng mga tagapagbuo ng Ethereum. "Ang lahat sa ETH 2.0 ay tungkol sa sukatan," kanyang isinulat.

Ano ang mga Pangunahing Kapintasan ng ETH 2.0?

Inamin ni Buterin na isa sa mga pangunahing disbentahe ng paglipat sa proof-of-stake ay kung paanong "tiyak na mas teknikal na kumplikado dahil kailangan mong makitungo sa mga tagapagpatunay o validators ."

Lahat ng ito ay tumuturo sa isang mas malawak na isyu — isang napakahalaga para sa wakas ay mapasok ang paggamit sa mainstream. Lubhang kumplikadong mga bagay-bagay ang blockchains at cryptocurrencies. Minsan kahit na ang isang taong may PhD sa computer science ay mangangailangan ng sandali para matiyak na kanilang naiiintindihan nang tama ang teknikal na papel sa panimula ng isang crypto.

Ang gawing mas teknikal na panganib ang isang platform ay nakapagpapalayo araw-araw sa mga konsyumer na kung hindi man ay isinasaalang-alang na gumawa ng kanilang nag-aalinlangan na mga unang hakbang sa crypto market.

DeFi, ang industriyang nakapagbubunsod nitong bagong tuklas, kinagigiliwang demand para sa blockchain network, madalas rin ay nagkukulang sa kasimplihan at kapakinabangan — lalo na sa mga taong wala pang pagkakalantad dati sa mga digital asset.

Noong kalagitnaan ng Agosto, kahit si Buterin ay nag-tweet: "Paalala: HINDI mo kailangang makibahagi sa 'pinakabagong kinagigiliwang bagay na DeFi' para makapasok sa Ethereum. Sa katunayan, maliban kung talagang nauunawaan mo kung ano ang nangyayari, malamang pinakamainam na umupo o makibahagi na lamang sa napakaliliit na halaga. May maraming iba pang uri ng ETH dapps, i-explore sila!"

Tulad ng ating nabanggit kanina, isa sa mga pinakamalaking kapintasan ng Ethereum 2.0 ay kung paano nito ginagawa ang isang napakalaking paglukso papasok sa walang nakakaalam, dahil wala ng iba pang mga blockchain platform ang nagpaplanong gumamit ng PoS sa napakalaking proporsyon. Bagama't ang mga audit sa balangkas at codebase nito ay lubhang maganda hanggang sa ngayon (sa kabila ng ilang kahinaan sa seguridad na tinukoy noong Marso,) ang Ethereum ay maaaring magkaroon ng isang sakuna sa PR kung makakarating sa mainnet ang mga sagabal.

Ang Bagong Blockchain ba ay Makapagpapataas sa mga Presyo ng Ether?

Ang katanungan sa mga bibig ng maraming mangangalakal ay kung ano ang magiging epekto ng ETH 2.0 sa halaga ng Ether sa sandaling ito ay ganap nang mailunsad.

Sympre, may maliit na punto ang pagkakaroon ng kristal na bola pagdating sa mga crypto market, dahil sa maaaaring magbago nang bigla-bigla ang mga bagay sa ilang oras lang na puwang. (Tingnan na lamang kung ano ang nangyari sa panahon ng crypto flash crash noong Marso 2020, noong bumagsak nang bigla ang ETH, kapagdaka'y naglikida ng mga posisyon sa mga protokol ng DeFi.)

Isang kamakailang CoinDesk report — inilabas para itaon sa Ethereum na maglilimang taong gulang — tingnan kung paano tumugon ang ETH kung magiging banayad ang upgrade... at paano kung hindi.

Isinulat ng mga may-akda: "Ang matagumpay na paglulunsad at pag-unlad ng Ethereum 2.0 sa pamamagitan ng kanyang paunang dalawang yugto ay maaaring lubhang makapagbunsod sa panukalang halaga ng Ethereum sa mga mata ng mamumuhunan. Ang paglulunsad ng Ethereum 2.0 ay magiging kongkretong ebidensya ng isang gumaganang alternatibong sistema sa pagpapatunay ng transaksyon na higit na nakakatipid sa enerhiya o koryente."

Mukhang may hinaharap. Ngunit ganon din naman, nagbabala ang report na ang mga mangangalakal at mamumuhunan ay kailangang malapitang bantayan ang mga Phase 0 at 1 ng ambisyosong proyekto na ito. Kung may maliit na kongkretong ebidensya ng isang gumaganang PoS blockchain network, huhulaan nito ang halaga ng ETH ay maaaring magsimulang bumaba.

Ang huling kadahilanan na dapat isaisip — na tumatakbong magkaagapay sa pagbuo ng bagong blockchain na ito — ay kung ang DeFi ay kumakatawan sa hinaharap, o kung ang industriya ay isang tagumpay na biglaan na lamang mahihinto.

Ang Ethereum ay siyang labis na kinasasabikan dati sa kahumalingan sa crypto. Noong ang ICOs ay yumayabong, na may mga bagong proyektong lumilitaw sa kaliwa, kanan at gitna noong 2017, maraming mga nagsisimula ang nagtatayo sa blockchain na ito at nagpapakawala ng ERC-20 tokens. (Ang mga taong may mahahabang memorya ay maaalala na isang malaki-laking bilang ng mga kumpanyang ito ay hindi kailanman nakapaglunsad, at malabong-malabo na kumita.)

Sa huli, ang hinaharap ng Ethereum ay sadyang nakakabit sa kung ano ang mangyayari sa susunod na mga taon. Dahil sa ang ilan sa komunidad ng crypto ay nagsisimula ng mawalan ng tiwala sa blockchain dahil sa mga paulit-ulit na pagkaantala sa paglunsad ng Phase 0, kung saan itinutulak ng DeFi ang blockchain network sa kanyang mga limitasyon, hindi kataka-taka na ang Ethereum Foundation ay nagsisimula nang makaramdam ng pagkabahala.

Ano ang ERC-20 Tokens?

Nilikha ni Fabian Vogelsteller noong 2015, ang ERC-20 token ay ang teknikal na pamantayan na ginagamit para sa lahat ng mga matatalinong kontrata sa Ethereum blockchain para sa pagsasakatuparan ng token.

Ang Ethereum ay may pangalawang pinakamalaking market capitalization sa Bitcoin, ngunit ginagamit ito sa ibang paraan — ang Ethereum blockchain ay batay sa paggamit ng mga token, na maaaring bilihin, ibenta o ikalakal.

Sa Ethereum network, ang mga token ay kumakatawan sa samu't saring saklaw ng mga digital asset, tulad ng vouchers, IOUs (pagkakautang), o kahit na mga nahahawakang bagay ng tunay na mundo. Mahalaga, ang Ethereum tokens ay matatalinong kontrata na gumagana sa Ethereum blockchain.

Ang ERC-20 standard ay binabalangkas ang anim na iba't ibang punsyon para sa kapakinabangan ng iba pang mga token sa loob ng Ethereum network. Ang mga punsyong ito ay kinabibilangan ng pamamaraan sa paglilipat ng mga token at ang daan sa pag-akses ng mga user sa data para sa isang partikular na token. Sa huli ay tinitiyak nito na ang lahat ng tokens ay gumaganap sa anumang lugar sa loob ng Ethereum network.

Ang ERC-20 ay pakahulugan para sa "Ethereum request for comment" at bahagi ng isang koleksyon ng ilang iba pang mga pamantayan ng Ethereum, tulad ng ERC-721, na nagpopokus sa mga non-fungible tokens (NFTs) at ERC-884, na nagpapahintulot sa mga kumpanya na gamitin ang blockchain para panatilihin ang mga registry ng share (partikular sa Delaware, ngunit yan ay ibang kuwento).

Paano Gumagana ang isang ERC-20 Token?

Ang ERC-20 tokens ay mga asset na nakabatay sa blockchain na mayroong halaga at trabaho sa pamamagitan ng pagpapadala at pagtanggap sa blockchain.

Ang pagkakaiba sa pagitan ng isang ERC-20 token at Bitcoin halimbawa, ay sa halip na tumakbo sa kanilang sariling blockchain, ang ERC-20 token ay iniisyu sa Ethereum network.

Ang isa pang pagkakaiba sa pagitan ng ERC-20 token at Bitcoin ay ang pangangailangan para sa mga token na sumulat ng isang piraso ng code na itatabi sa Ethereum blockchain.

Pagkatapos ang Ethereum blockchain ay siyang responsable para sa pag-aasikaso ng mga transaksyon at pagsusubaybay sa balanse ng mga may hawak ng token – ang pamamaraang ito ay hindi inaatas para sa iba pang digital coins.

Ang ERC-20 tokens ay ipinadadala gamit ang Ethereum Gas. Ang gas ay tumutukoy sa bayarin, o pagpepresyong halaga, na kinakailangan upang matagumpay na magsagawa ng isang transaksyon o isagawa ang isang kontrata sa Ethereum blockchain platform.

Ginagamit ang ETH (ETH) bilang gas na nagbubunsod sa mga transaksyon sa Ethereum network. Tumutulong ang Ether na pondohan ang mga gastusin sa pagmimina at kung wala ito, hindi magiging posible ang pagpapadala ng tokens sa network.

Ang ETH mismo ay hindi isang ERC-20 token; sa halip, may bersyon ng ETH na tinatawag na "Wrapped Ethereum," (WETH) na isang ERC-20-compliant version ng ETH. Nangangahulugan ito na ang ilang disentralisadong aplikasyon (DApps) ay pumapabor sa WETH sa halip na ETH para sa mga teknikal na dahilan tulad ng pangangalakal.

Ipinagkakaloob ng ERC-20 tokens ang mga komprehensibong pamantayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng panuntunan na dapat sundin ng lahat ng Ethereum tokens. Gumagana ang Ethereum sa isang disentralisadong pinansyal na network, at habang hindi mandatoryong gamitin ang ERC-20 standard, tiyak namang may kalamangan na gumamit ng isang hanay ng mga patnubay habang gumagana sa espasyo ng Ethereum.

Ang ilan sa mga nabanggit na panuntunang ito ay umiikot sa kung paano maililipat (transfer) ang mga tokens, paano maaaprubahan ang mga transaksyon, paano maaakses ng mga user ang data tungkol sa isang token at ang kabuuang supply ng mga token.

Kung nagpaplano kang bumili ng anumang digital currency na inisyu bilang isang ERC-20 token tulad ng Tether, BAND, AAVE, dapat na mayroon ka ring isang wallet na tumutugma sa mga token na ito.

May maraming magkakaibang opsyon para sa mga wallet kabilang ang Metamask, MyEtherWallet at iba pa.

Bakit Natin Kailangan ang ERC-20 Tokens?

Sa maikling pananalita, ginagawa nilang mas simple ang lahat ng bagay.

Ginagawang lubhang madali ng ERC-20 ang paglikha ng mga bagong token, at yan ang dahilan kung bakit naging pinakapopular na platform ang Ethereum para sa mga ICO noong 2017.

Bilang ICO, o ang initial coin offering ay isang uri ng crowdfunding, maliban sa backers na tumatanggap ng mga bagong-likhang token. Isa itong paraan para sa mga kumpanya sa ekonomiya ng crypto upang makalikom ng kapital at makapagbuo ng pondo.

Ang kalakalang presyo para sa isang ETH sa simula ng Enero 2017 ay nasa halos $8. Pagkatapos ng dalawang buwan, ang halagang iyon ay naging apat na beses ang itinaas at alam na ang mga susunod na nangyari. Ang presyo ng isang ETH ay umabot sa pinakamataas sa buong kasaysayan sa halos $1440 nong ika-13 ng Enero 2018, tumaas ng hanggang 18,000% mula sa nakaraang taon.

Ito ay dahil sa ang ICO ay tumatabo ng milyon-milyong dolyar mula sa "mga pangako" sa kanilang mga white paper, na may marami sa kanila ang wala namang tunay na gumaganang produkto.

Ang spekulasyon ay nagiging isang ganap na kasiglahan, at ang bawat proyekto ay napapalamutian hindi alintana kung gaano katagal aabutin ang pagkakasakatuparan ng mga tampok at pagpapaunlad.

Ngayon sa 2021, ang Ethereum ay ang pinupuntahang network sa likod ng industriya ng disentralisadong pinansya (DeFi) dahil sa lakas nito bilang isang platform para sa mga matatalinong kontrata.

Bago ang ERC-20 tokens, ang mga tagapagbuo ay gumagamit ng iba pang terminolohiya sa code — ang isang token ay gumagamit ng [totalAmount] habang ang isa pa ay gumagamit ng [totalAmount].

Mga exchange at wallet na kailangan sa pagtatayo ng kanilang mga platform upang maasikaso ang bawat code ng token.

Sa pagkakaroon ng isang pandaigdigang pamantayan, ang mga bagong token ay maaaring awtomatikong ilagay sa isang exchange o ilipat sa isang wallet sa sandaling sila ay malikha.

Gumanap ng isang malaking papel ang ERC-20 tokens upang maakses ang maraming cryptocurrencies at tokens para sa mainstream na paggamit, dahil sa kasimplihan at potensyal na paggana nito kasama ang iba pang mga pamantayan ng Ethereum token.

Mga detalye
ETH
¥ CNY

Ethereum Mga Istatistika ng Impormasyon

Presyo
  • Presyo
    -
  • 24H Magbago
    -
  • 7D Magbago
    -
  • 24H Mataas
    -
  • 24H Mababa
    -
  • 24H Volume
    -
Market Halaga
  • Market Halaga
    -
  • Rank
    #2
  • Dominance sa Market
    7.4%
Pangunahing Impormasyon
  • Itinatag
  • Maximum na supply
    -
  • Pag-ikot
    -
  • Core algorithm
    -
  • Mga Insentibo
    -
  • Puting papel
  • Panlipunan